CLEVELAND (AP) – Naisalba ng Cavaliers ang matikas na pakikihamok ng Los Angeles Clippers para maitakas ang 118-113 panalo sa overtime nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Cleveland Cavaliers' LeBron James, top, reacts as New York Knicks' Kristaps Porzingis, botton, falls after a foul during the second half of a NBA basketball game at Madison Square Garden in New York, Monday, Nov. 13, 2017. (AP Photo/Andres Kudacki)
Cleveland Cavaliers' LeBron James, top, reacts as New York Knicks' Kristaps Porzingis, botton, falls after a foul during the second half of a NBA basketball game at Madison Square Garden in New York, Monday, Nov. 13, 2017. (AP Photo/Andres Kudacki)

Hataw si LeBron James sa naiskor na dalawang triples para maitabla ang iskor sa 105 bago nakontrol ng Cavaliers ang laro sa extra period.

Naselyuhan ang panalo -- ikaapat na sunod ng Cavs -- sa free throw ni James at dunk ni JR Smith.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Tumapos si James na may 39 puntos, 14 rebounds at anim na assists, hagbang kumana si Kevin Love ng 25 puntos at walong rtebounds.

HEAT 91, WIZARDS 88

Sa Washington, ginapi ni The Miami Heat ang high-scoring Washington Wizards, sa pangunguna ni Hassan Whitesidena tumipa n g 22 puntos at 16 rebounds.

Nanguna si Beal sa Washington sa naiskor na 26 puntos at 10 rebounds.

RAPTORS 107, KNICKS 84

Sa Toronto, ratsada si Kyle Lowry sa natipang season high 22 puntos at 10 assists, habang humugot si DeMar DeRozan ng 22 puntos sa panalo ng Raptors sa New York Knicks.

N ag-ambag si C.J. Miles ng 14 puntos, habang kumubra sina forward Pascal Siakam at rookie forward OG Anunoby ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Hataw sina Tim Hardaway Jr. at Kristaps Porzingis sa Knicks sa naiskor na tig-13 puntos.

Sa iba pang laro, ginapi ng Indiana Pacers, sa pangunguna ni reserve guard Lance Stephenson na umiskor ng 13 puntos sa fourth period, ang Detroit Pistons, 107-100.

“I just wanted to win so bad,” pahayag ni Stephenson.