Ni: Aris Ilagan

SALAMAT sa Diyos!

Matagumpay na naidaos ang 31st ASEAN Summit dito sa ating bansa.

Malaki ang ating pasasalamat sa mga ahensiya ng gobyerno na nagtulungan upang matiyak ang tagumpay nitong napakahalagang pagpupulong ng mga lider ng mga bansa, hindi lamang sa Southeast Asia kundi maging ng iba pang kaalyado ng mga ito gaya ng United States, Canada, at India.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa pagdalo nina US President Donald Trump, Canadian Prime Minister Justin Trudeau at Indian Prime Minister Narendra Modi, patulay lamang ito na napakahalaga ng Pilipinas bilang kaalyadong bansa sa Asya.

Sa kabila ng iba’t ibang isyu at kontrobersiya kung saan nagkakasalungat ang paninindigan ng bawat leader, nagsama-sama ang mga ito sa iisang bubong upang itaguyod ang kapakanan ng mga mamamayan sa rehiyon.

And’yan ang isyu sa agawan ng teritoryo sa South China Sea, global terrorism, human rights violation at maging basura na ini-export sa ibang bansa, kabilang ang Pilipinas.

Sa mahabang bakasyon na idinulot nitong makasaysayang pagpupulong, sana ay may napulot na leksiyon ang mga Pinoy, hindi lamang hinggil sa matinding trapik na nilikha nito.

Sa pagdaraos ng ASEAN leaders’ meeting sa ‘Pinas, naibalik na naman sa mapa ang ating bansa.

Sa ganitong pamamaraan, ipinakita natin sa buong mundo ang mga pintong maaaring buksan ng Pilipinas para sa mga banyagang mamumuhunan, partikular sa larangan ng pangangalakal at seguridad sa rehiyon.

Tama na ang sisihan sa trapik!

Nararapat lamang na tayo’y magtiis ng ilang araw upang bigyang-daan ang mas malaking oportunidad upang umunlad ang ating bansa.

Tayo ay magpasalamat at walang masamang kaganapan sa ASEAN meeting mula sa pagdating ng mga delegado hanggang sa kanilang pagbalik sa kani-kanilang bansa simula kahapon.

Ngayong araw, balik lahat sa trabaho. Balik ang matinding trapik. Balik ang nagkalat na basura. Balik ang pagtirik ng MRT. Balik ang mga cell phone snatcher sa mga PUV terminal.

Mistulang mga langgam na sunud-sunuran kung saan pumupunta ang isa, doon na rin patungo ang lahat.

Mabuti na lang at nakapagpahinga si Boy Commute sa mahabang bakasyon.

Ngayong papalapit na naman ang Pasko, siguradong palala na naman nang palala ang trapik.

Sigurado akong may isa o dalawang araw na halos walang galawan ang mga sasakyan sa kaliwa’t kanang Christmas party.

Hindi pa nakapagpapahinga ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Philippine

National Police (PNP) ay muli silang ipakakalat sa mga kritikal na lugar dahil sa matinding trapik.

Ika nga…back to normal!