Patay ang dalawang katao matapos bumangga ang kanilang tricycle sa isang SUV sa Airport Avenue sa Barangay Bengcag, Laoag City, Ilocos Norte.

Kinilala ang mga biktimang sina Jhonfferson Domingo, 17; at Jaylord Gagarin, 15, parehong taga-Bgy. 47, Bengcag, Laoag City.

Dakong 1:15 ng umaga nitong Sabado nang magkabanggaan ang Isuzu Crosswind, na minamaneho ni Leand Mao, 18, ng Bgy. 7-B, Laoag City, at ang tricycle na minamaneho ni Domingo.

Nagtamo ng matinding sugat ang dalawang binatilyo at kapwa dead on arrival sa ospital.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nasa kustodiya na ng pulisya si Mao. - Liezle Basa Iñigo