NAKATAKDANG lumagda ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng P8.5 milyon sa NLEX si No.2 rookie pick Kiefer Ravena, ayon sa opisyal ng Road Warriors.

Batay sa maximum deal para sa isang rookie, tatangap si Ravena ng P150,000 kada buwan sa unang taon at tataas ng P225,000 sa ikalawang taon at P350,000 sa ikatlong taon.

“We’ve already agreed in principle. We will have the formal signing this week,” pahayag ni NLEX team official Ronald Dulatre sa panayam ng Spin.ph.

Ayon kay NLEX coach Yeng Guiao, deserving sa naturang kontrata ang two-time UAAP MVP.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Samantala, isang taon na kontrata lamang ang inialok ng Blackwater kay No. 3 pick Raymar Jose, ayon sa isang source.