Ni JIMI ESCALA

BUKOD sa post production ng kanyang unang pagsabak bilang director ng Ang Panday na kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival, tinututukan din nang husto ni Coco Martin ang isang laro na accessible sa lahat sa pamagitan ng Google.

Coco copy

Bahagi pala ito sa campaign para sa mas makilala ng millennials o ng younger generations ang Pinoy character na naging alamat na sa pelikula simula nang pagbidahan ni Fernando Poe, Jr.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Kaya naisip daw mismo ni Coco na gawin ang game na ito na tiyak pagkakaguluhan ng kabataang mahilig sa mga laro sa computer.

Kasama ni Coco sa pagbuo ng game na ito ang Cosyn Mediatech, Inc. na siyang nag-design.

‘’’Yung kabataan kasi ngayon, eh, hindi sila masyadong pamilyar sa super sikat naman noon talagang Ang Panday kasi hindi na nila inabutan. Gusto kong ipakilala sa kanila kung sino talaga si Panday sa pamamagitan ng game at maging pamilyar sila,” pahayag ni Coco sa launching ng game.

Dugtong naman ng isa sa mga namamahala ng Cosyn Mediatect na si Jackeline Chua, may kakaibang mga ideya si Coco na ikinagulat nila habang kausap nila ang actor.

“Coco is a natural born storyteller. He has so many ideas, overflowing, it’s oozing. This guy has a brilliant creative mind. Ang galing, ang taba ng utak niya. Kung hindi siguro siya artista ngayon, he will be a very good game designer,” sey pa niya.

Samantala, ngayon pa lang ay marami na ang humuhula na tiyak daw na isa sa mga mangunguna sa takilya sa MMFF itong Ang Panday. Ayon kay Coco, sinadya niyang ibahin ang istorya para mas maraming kabataan ang maka-relate sa kanyang pelikula na mahigit 80 artista ang kasama niya!