Ni Ernest Hernandez

IGINIIT ni PBA Commissioner Chito Narvasa na pinayagan niya ang kontrobersyal na trade sa pagitan ng San Miguel Corporation at KIA motor matapos magkasundo na baguhin ang naunang kasunduan sa pagitan ng dalawang koponan.

Pinayaganb ni Narvasa ang trade nang ipamigay ng SMC sina Jay-R Reyes, Ronald Tubid, Rashawn McCarthy at karapatan sa 2019 1st round pick, kapalit ng 2017 No.1 pick na inaasahang si Fil-Am forward Christian Standhinger.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I was looking at their lineup pero kulang ng beterano, then they asked for McCarthy, Jay-R Reyes—noong una dalawa lang, hindi pwede. Ngayon sinama si Agovida and 2019th pick,” pahayag ni Narvasa.

Sa bagong kasunduan, iginiit ni Narvasa na ibinatay ni KIA Governor Buboy Rosales ang trade dahil sa plano nilang mas maging kompetitibo.

“Ano ba yung philosophy? Noong kinausap ko naman si Governor Bobby Rosales he said “our position is like this, please understand-- the first two years, hindi kami yung talaga nag-ma-manage.”

“There was an arrangement. When that two years expired, ngayon sila they said, “Com, ngayon lang talaga kami nag-takeover. We are starting from zero. That is the reason why we asked Coach Joe Lipa to be our manager to help guide us where we want to go. ‘Eto ang philosophy namin,” aniya.

Pinakiusapan naman ni si San Miguel Governor Robert Non na dagdagan nang mas may kabuluhang talento ang ipapalit sa trade.

“Ganito gagawin ko, you give me a revision. If you cannot think of something, sabi ko kay Boss Robert, ‘Boss, you also have to hurt. If you want to get something, you also have to hurt,’” pahayag ni Narvasa.

Nagkasundo rin ang dalawang kampo na makuha ang pangangailangan ng isat isa.

“Jay-R, ok tayo diyan kasi you need a big man. He has been wanting to play for San Miguel, he has not been given the opportunity to play but he has practiced in the last few years guiding Fajardo. So he will be able to help you,”

“McCarthy, bakit si McCarthy, kasi we need a point guard and he knows how to guard Chris Ross,” ayon kay Narvasa.