Ni FER TABOY

Pinugutan ng ulo at pinagputol-putol ang kaliwang kamay ng isang walong taong gulang na babae matapos umanong gahasain ng hindi nakikilalang suspek sa Kalibo, Aklan, kahapon.

Ayon sa report ng Kalibo Municipal Police, ang hindi pinangalanang biktima ay apat na araw nang nawawala makaraang magtungo sa bukirin ng kanyang ama.

Sinabi ni Senior Insp. Honey Mae Rosete-Ruiz, officer-in-charge ng Kalibo Police, na kalunus-lunos ang sinapit ng paslit nang matagpuan ito ng mga magulang dahil bukod sa pinugutan ay pinagputul-putol pa ang kaliwang kamay ng bata.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa police report, tinangka pa umano ng suspek na sunugin ang bangkay ng biktima.

Sinabi ng mga kaanak na huling nakitang buhay ang biktima noong Oktubre 24 matapos magpaalam na pupuntahan sa bukid ang kanyang ama, pero hindi na nakabalik.

Hanggang sa matagpuan ang naaagnas nang bangkay ng bata kahapon ng umaga.

Patuloy pang inaalam ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpatay at hinalang panghahalay pa sa paslit.