Ni Mary Ann Santiago

Hinikayat ng waste and pollution watch group na EcoWaste Coalition ang publiko na bawasan o tuluyan nang iwasan ang pagkakalat ng basura sa Halloween, na tinawag nilang “hallowaste.”

Pinayuhan ng EcoWaste Coalition ang mga organizer na magkaroon ng zero waste celebration sa Halloween parties at trick-or-treat parades na kanilang isasagawa.

Ayon kay Daniel Alejandre, Zero Waste campaigner ng grupo, bagamat hindi tipikal na kultura ng mga Pinoy ang trick-or-treat, ay isinasagawa na rin natin ito sa ngayon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga Sangguniang Kabataan (SK) sa mga barangay ang kadalasang namumuno sa Halloween street events, na dinadaluhan ng kabataang nagsusuot ng iba’t ibang costumes, at nagbabahay-bahay upang manghingi ng candy treats.

Gayunman, sa mga ganitong pagtitipon ay hindi naiiwasang maraming basura ang naiiwan.

“With the barangay and SK elections scheduled in May 2018, it will not be surprising to see more fun activities such as Halloween parades and parties as those seeking elective posts try to make their names and faces known to their constituents,” ani Alejandre. “Unfortunately, Halloween celebrations can be wasteful in terms of money spent, materials used, and garbage produced.”

Kaugnay nito, nagbigay ng payo ang grupo sa publiko kung paano makatitipid at maiiwasan o mababawasan man lang ang “hallowaste.”

Ayon kay Alejandre, sa halip na bumili ng bago at ready-made Halloween costume, ay maaaring gumamit o mag-recycle ng mga lumang damit para makalikha ng magagandang costume.

Maaari rin naman, anila, na manghiram na lamang o ‘di kaya ay makipagpalit ng costume sa mga kaibigan at kaanak o bumili ng second-hand costumes.

“Try natural substitutes to face paint, which may contain lead and other harmful substances. These alternatives are commonly found in the kitchen such as food-grade coloring, achiote seeds, turmeric, cocoa powder, cornstarch, etc.” mungkahi pa ni Alejandre.

Maaari rin namang gumamit ng reusable cloth bags at mga lumang medyas para lagyan ng Halloween goodies, kaysa plastic na pumpkin, skull at character buckets.

Sa halip na candies, isinuhestiyon din nila na maaaaring ikonsidera ang pagbibigay ng mas masusustansyang pagkain tulad ng mga napapanahong prutas.

Para naman mas ligtas ang Halloween celebration, pinayuhan ng EcoWaste Coalition ang publiko na iwasan ang pagbili ng costume, accessories at mga dekorasyon na may pintura, maliban na lamang kung matitiyak na ligtas ito sa nakalalasong lead.