Magkakaroon ng pagkakataon si Global Boxing Union (GBU) at Women’s International Boxing Association (WIBA) female minimumweight champion Gretchen Abaniel ng Pilipinas na makaganti sa pagkatalo kay IBF female champion Zong Ju Cai sa kanilang muling pagsasagupa sa Sabado (Oktubre 28) sa Macau East Asian Games Dome sa Macao, China.

Unang nagsagupa sina Abaniel at Cai noong Pebrero 22, 2015 sa Wenshan, China na nagwagi sa 10-round unanimous decision ang Chinese para mahablot ang bakanteng WBC International female minimumweight title.

Ngunit, nagpakitang gilas si Abaniel sa Ludwisburg, Germany nang palasapin niya ng unang pagkatalo si Oezlem Sahin ng Turkey noong Nobyembre 7, 2015 para maiuwi ang GBU at WIBA minumweight titles.

Naagaw naman ni Cai ang IBF title sa 10-round split decision kay Etsuko Tada ng Japan noong nakarang Enero 30 sa Cotai Arena sa Macao at ito ang unang depensa niya ng world title.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Cain na 9 panalo, 1 talo na may 1 pagwawagi lamang sa knockout kumpara sa mas beteranang si Abaniel na may kartadang 18-8-0 win-loss-draw na may 6 panalo sa knockout. - Gilbert Espeña