Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

TAPIK sa balikat sa aspeto ng turismo at pagkakaisa sa bansa ang pagkakataon na maging host ang Pilipinas sa 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup.

manny-pangilinan2 copy

Kabalikat ng Pilipinas ang Japan at Indonesia sa paghihikayat sa basketball body na dalhin ang aksiyon sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon. Ang World Cup, na lalahukan ng 32 koponan mula sa buong mundo, ay gagamitin ding qualifier para sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, maging ang Pangulong Duterte ay suportado ang hosting ng FIBA World Cup na itinataguyod ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Chairman Emeritus Manuel V. Pangilinan.

“This hosting is very rare and it will unify the country and will have positive impact on basketball and tourism,” pahayag ni Abella.

Nitong Huwebes, bumisita sa three-man FIBA Evaluation Commission kay Pangulong Duterte at kaagad na sinimulan ang pagsisiyasat sa kapasidad ng venues para magamit sa torneo.

Nakatakdang magdesisyon ang FIBA Central Board sa Disyembre.

Kabilang sa binisita ng FIBA delegates ang Philippine International Convention Center (PICC), Mall of Asia Arena, Smart-Araneta Coliseum at Philippine Arena sa Bulacan.