MAGPAPAKITANG -GILAS ang mga kabataang basketbolista mula sa iba’t ibang eskwelahan, colleges at universities sa Metro Manila sa anim na division sa pag-arangkada ngayon ng Manila Brotherhood Basketball League Athletic, Inc,(MBBLAI) sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

Higit sa 4O koponan mula sa anim na age bracket ang paparada ngayong 9 ng umaga sa makulay na pambungad na seramonya na bibigyang ningning ng mga sports celebrities tampok si PBA superstar Arwind Santos at mga naggagandahan mga muses ng bawat paaralan kung saan ay may laang premyo sa tatanghaling best muse ng liga.

Matapos ang pambungad seremonya ay magtutunggali na ang DLSU Zobel at San Beda sa 13 -under ganap na 10 ng umaga sa buwena-manong bakbakan, ayon kay organisador Erick Kirong, founding chairman ng BBL at owner ng Macway.

Susundan ito ng banggaang RP Elite at San Beda Taytay sa 13-under.Susukatin naman ng mga selection ng Chinese students na Dragons ang lakas ng San Beda Mendiola sa 17-under sa alas-12 bakbakan kasunod dito ang tunggalian sa pagitan ng San Beda Mendiola at Arandia College sa 19-under class at ang pampinaleng bakbakan sa opening salvos ng kaganapang pinangangasiwaan ni MBBLAI VP Ray Alao kaagapay ang mga opisyales na sina board chairman Otep Ronquillo Directors DM Bradley,Braulio Lim ,consultant /coach Mark Herrera at Omeng Divino ay ang pagtutuos ng DLSU Antipolo kontra Trinity University of Asia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!