Ni NITZ MIRALLES

TINULDUKAN ni Kris Aquino ang kung anumang relasyon na namagitan sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang sagot sa comment ng follower niya sa Instagram (IG) na, “Miss Kris!!! Huhuhu I ship you and Mayor Herbert!!!

KRIS copy copy

I hope the two of you will find way to rekindle your love and stuff. You deserve a man to share your life with. You are my power couple!!!”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang sagot ni Kris: “I think that ship has sailed... not meant to be.”

Kaya mukhang malabo nang matupad ang wish ng fans nina Kris at Mayor Herbert na may grupo palang “KristTek” na pawang millennials, at marami sila, ha?

Pero malay nating lahat kung ano ang mangyayari sa love life ng dalawa in the future. Parehong sa Quezon City lang sila nakatira, maraming binubuksang negosyo si Kris na kailangang ikuha ng permit sa city hall, kaya tiyak na palaging magkukrus ang kanilang landas mag-iwasan man sila.

Labis-labis lang na-touch si Kris at lubos na nagpasalamat si Kris sa followers niya na nagdadasal na makahanap na siya ng man of her dreams na makakasama niya forever, magpapasaya sa kanya, at tatayong ama kina Josh at Bimby.

In another news, matutuwa ang fans ni Kris na matagal na siyang nami-miss mapanood dahil sa “SOON!” na sagot sa tanong kung kailan magsisimula ang project niya sa iflix.

“Not allowed to say -- we have a non-disclosure agreement. But SOON!”

Matatandaang pumirma si Kris ng kontrata sa iflix to do a series yata a few months ago. Heto at malapit na raw simulan ‘yun, kaya abang-abang lang.