Ni: Bert de Guzman

HINDI ba ninyo napapansin na maraming kababayan natin ngayon ang habang naglalakad ay text nang text sa kani-kanilang cell phone na naglalagay sa panganib sa kanilang buhay? Karamihan sa kanila ay mga millenial o kabataan na hindi naman marahil lubhang napakahalaga ang binabasa o text na ginagawa o “between life and death” wika nga kung kaya sila ay nagte-text sa daan. Kung sa bagay, may nakatatanda rin ang nagte-text sa lansangan.

Tungkol sa pagbabasa o pagte-text sa lansangan at kalye, maganda ang panukalang ordinansa ng Dagupan City (Pangasinan) Council para pagbawalan ang mga pedestrian na mag-text o tingnan ang kani-kanilang cell phone o tablet habang tumatawid o naglalakad. Ito ay ang tinatawag na “Anti-Distracted Walking Ordinance”. Hindi ba sa mga motorista ay meron nang ipinasang batas hinggil sa “Anti-Distracted Driving” o paggamit ng gadgets sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho?

Batay sa pinakahuling survey results ng Social Weather Stations (SWS), bumagsak ang public satisfaction at trust ratings ni President Rodrigo Roa Duterte sa ikatlong linggo ng Setyembre. Ito ang pinakamababa niyang ratings sapul nang maluklok bilang presidente ntiong Hulyo, 2016. Kapansin-pansin na ang nagbigay ng pinakamababang approval ng satistaction at trust ratings ay mula sa hanay ng mahihirap na tao (Class E) na malimit ay mga biktima ng madugong giyera sa droga ni Mano Digong.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang net satisfaction ng ating Pangulo ay bumulusok ng 18 puntos, mula sa +66 at naging +48 na lang. Ginawa ng SWS ang non-commissioned survey ilang araw pagkatapos ng pambansang rallies noong Setyembre 21, ang ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ni dating Pres. Ferdinand Marcos. Ang protesta at rallies ay tungkol sa war on drugs at banta sa umano’y mala-diktador na pamamahala ni PRRD.

Tandaang ang survey ay ginawa noong Setyembre 23-27 sa may 1,500 adult respondents at may margin of error na plus-or-minus 3 percentage points para sa national percentages. Sa kabila ng pagbulusok ng satisfaction at trust ratings, itinuturing ng SWS na ang net satisfaction ni PDU30 ay “good” pa rin at ang kanyang trust rating ay “very... good”.

Habang isinusulat ko ito, wala pang komento ang Malacañang tungkol sa survey ng SWS.

Samantala, naghihintay ang taumbayan kung ano naman ang ilalabas na ratings ng Pulse Asia tungkol sa ating Pangulo.

Kailangang pagkumparahin ang mga survey ng SWS at ng Pulse Asia upang malaman ng mga mamamayan ang tunay na pangyayari. Makabubuti rin ito sa Malacañang sapagkat magigiyahan siya kung ano ang dapat gawin upang lalong lumakas ang suporta ng 102 milyong Pinoy sa Pangulo na ang tanging hangarin ay magkaroon ng pagbabago, mawala ang kurapsiyon at mapalis ang illegal drugs sa bansa.