Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabalak ang mga armadong grupo na patalsikin siya sa puwesto.

Gayunman, sinabi ni AFP spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla, sa Mindanao Hour/Bangon Marawi press briefing, na hindi siya sigurado kung sangkot dito ang Liberal Party (LP).

“’Yung pagpa-plano, meron po kaming nakikita na iba. At hindi lang naman po ‘yung oposisyon ang ano dito. Kaya ang binabantayan po talaga ng Armed Forces ay ‘yung mga armadong grupo,” aniya.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“Most of them are Reds and the armed elements in Mindanao. There may be [involvement of the Yellows] but I am not privy to this information yet,” dagdag niya.

Ayon kay Padilla, binabantayan lamang ng AFP ang seguridad ng bansa at hindi nakikialam sa pulitika.

Tiniyak din ni Padilla sa publiko na hindi manggagaling sa AFP ang mga planong destabilisasyon dahil sa patuloy na suporta at “malasakit” na ibinibigay sa kanila ng Pangulong Duterte.

“Kung ito’y ili-link natin sa mga usapang destabilisasyon, ‘yung usapan na ‘yan na naririnig natin, hindi ho manggagaling sa hanay ng Armed Forces ‘yan,” paniniyak ni Padilla.