16 three-pointer naisalpak ng San Sebastian kontra Letran.

SA labas, tigatik ang pag-ulan. Sa loob ng FilOil Flying V Arena, bumuhos ang three-pointer sa Sebastian College-Recoletos.

San Sebastian's Michael Calisaan (left) appears to kick his teammate Alvin Baetiong (center) and Letran's Christian Balagasay during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 26, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
San Sebastian's Michael Calisaan (left) appears to kick his teammate Alvin Baetiong (center) and Letran's Christian Balagasay during the NCAA Round 2 match at Filoil Flying V Centre in San Juan, September 26, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Mistulang nagsagawa ng basketball shooting clinic ang Stags sa naisalpak na 16 three-pointer tungo sa dominanteng 95-64 panalo kontra Colegio de San Juan de Letran kahapon sa NCAA Season 93 second round elimination sa seniors basketball tournament.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Bawat isa sa 10 players ng Stags ang nakaiskor sa rainbow territory para sa natatanging shooting spree ng Recto-based cagers na tuluyang umabante sa Final Four tangan ang 7-6 karta.

“Ganito talaga yung buhay namin. We die, we live in three points,” pahayag ni head coach Egay Macaraya.

Nawindang naman ang tsansa ng Knights na makahirit sa susunod na round.

Naging dikitang ang laban sa unang sigwa ng aksiyon, ngunit, sumambulat ang opensa ng San Sebastian tampok ang 20-1 blast sa third period upang ilayo ang bentahe at itarak ang one-sided win.

“Hindi namin in-expect na ganito kalalabasan ng game. Ako man, nasopresa sa init ng shooting ng team,” sambit ni Macaraya.

Mula sa 49-41, apat na Stags ang umiskor ng three-pointer para paningasin ang opensa at palubohin ang kalamangan sa 69-42 tungo sa final period.

Umabot ang bentahe ng Stags sa pinakamalaking 33 puntos.

Nanguna sina Jayson David at Allyn Bulanadi sa Stags sa natipang tig-tatlong three-pointers para sa kabuuang 17 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang kumubra si Michael Calisaan ng 13 puntos.

“Grabe ang ipinakita ng mga baya, bigyan natin sila ng credit. Yung pinaghirapan nila sa ensayo, ito na ang sukli,” sambit ni Macaraya.

Nabahiran naman ng gusot ang sana’y pamamasyal na lamang ng Stags nang tawagan si Alfren Gayosa ng disqualifying foul sa huling minuto ng laro nang masipa sa mukha si Knights forward Jeremiah Taladua sa agawan sa bola. Awtomatiko siyang suspindido ng isang larokung kaya’t hindi siya mamakasama sa bench sa laban ng San Sebastian kontra sa nangungunang Lyceum of the Philippines University sa Biyernes.

Nanguna sa Letran sina Bong Quinto at Jerrick Balanza sa naiskor na 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Iskor:

SAN SEBASTIAN (95) - David 17, Bulanadi 16, Calisaan 13, Gayosa 9, Costelo 6, Navarro 6, Are 6, Capobres 4, Mercado 4, Calma 3, Ilagan 3, Baytan 3, Valdez 3, Baetiong 2, Quipse 0.

LETRAN (64) - Quinto 14, Balanza 13, Calvo 7, Mandreza 7, Nambatac 6, Gedaria 4, Taladua 4, Balagasay 3, Vacaro 3, Pascual 2, Caralipio 1, Bernabe 0.

QUARTER SCORES: 25-11, 45-38, 69-47, 95-64.