Ni: Mary Ann Santiago

Dahil sa tsismis, patay ang isang tindero nang pagtulungang saksakin ng mag-live-in partner sa Tondo, Maynila kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital si Bryan Lanuza, 26, ng 1663 Interior 30 F. Varona Street, sa Tondo.

Arestado at naghihimas ng rehas si Rechella Fuentes, 24, balut vendor habang pinaghahanap naman ng awtoridad ang kanyang kinakasama na si Michael Seguiza, 24, kapwa ng Chesa St., Tondo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa inisyal na ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), naganap ang insidente sa tapat ng Lita’s Videoke Bar, sa Ilaya St., dakong 12:30 ng madaling araw kahapon.

Una rito, kadarating lang umano ng biktima sa nasabing lugar, kasama ang kanyang live-in partner na si Mary Jane Surla at kanilang anak, nang kumprontahin ni Fuentes.

Galit umanong inakusahan ni Fuentes si Surla sa pagkakalat ng umano’y tsismis.

Una umanong hinataw ni Fuentes ng metal hanger si Lanuza habang tinarakan naman ito ni Seguiza bago nagsitakas.