Ni: Johnny Dayang
SA pagnanais magkaroon ng sariling manunulat, na nais maglathala ng kanilang mga gawa, binigyan ng pagkakataon ang mga ito, ilang dekada na ang nakalilipas, nang umupo bilang kauna-unahang chairman ng National Book Development Board (NBDB) ang abogadong si Dominador D. Buhain.
Ang ideya, umusbong mula sa respeto para sa mga manunulat sa probinsya, ay hindi lamang upang kilalanin ang kanilang talento, ngunit upang maipamalas ang kanilang mga ideya sa publiko. Sa pamamagitan ng paglalathala sa mga likha ng hindi masyadong kilalang mga manunulat, pinapalawak natin ang karunungang makukuha hindi lamang sa mga nakasanayan at paulit-ulit nang mga nababasang manunulat.
Ang kampanya ni Buhain ay hindi nagustuhan ng ilan sa kanyang mga kasamahan sa Board. Ang malala pa, upang makakalap ng pondo para sa mga proyekto, naging mahirap para sa mahirap na magsasaka ang makipagkompetensiya sa isang awtor sa kabihasnan, dahil sa mga partikular na limitasyon sa ilalim ng Board guidelines.
Ang pangangailangan sa pagdiskubre ng mga bagong talento, maging ito man ay mahusay sa literatura o pagsasaliksik sa ka-saysayan, ay nagaganap kapag ang mga mananaliksik ay mas dumepende sa cyberspace. Kapag ang demand para sa kakaibang facts sa lupa, halimbawa, ay naging kapos o kulang gaya ng pag-kakaroon ng blue moon.
Ang halaga ng paglalathala ng mga manuskrito ng mga manunulat sa ibang bahagi ng bansa ay malapit sa pangarap ni Buhain, na panatilihin ang pagiging Pilipino ng mga librong inilalathala sa bansa. Lalo na sa pagre-record ng kung anong natira sa tradisyon natin at sa ating lokal na kasaysayan.
Nakasaad sa Declaration of Policy ng book development law, o Republic Act 8047:
“It is recognized that the book publishing industry has a signifi-cant role in national development, considering that books which are its products are instrumental in the citizenry’s intellectual, technical and cultural development – the basic social foundation for the economic and social growth of the country. Books are the most effective and economical tools for achieving educational growth, for imparting information and for recording, preserving, and disseminating the nation’s cultural heritage.”
Binigyang-diin din ni Buhain, chairman at presidente ng Rex Group of Companies at isang manlalakbay, ang importansiya ng pag-aangat ng literatura at kultura, at sinabing layunin niyang “to expose what can be seen in these localities (locally and abroad)” upang mapahalagahan at malaman ng mga Pilipino ang iba’t ibang kultura sa mga rehiyon.
Ang mga librong nanggagaling sa mga liblib na rehiyon sa archi-pelago, sa pananaw ni Buhain, ay nararapat lamang na bigyang-pugay sa kanilang publication. Marami sa mga likhang ito ang maaaring mag-iba sa oral na tradisyon ngunit ang kaalaman ng mga likhang ito, kapag hindi napangalagaan, ay maaaring mawala na lamang.