KUALA LUMPUR, Malaysia (AP) – Inihayag kahapon ng Malaysian police ang pagkakadakip nito sa pitong Pilipino na pinaniniwalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon sa national police chief na si Mohamad Fuzi Harun, ang pitong lalaki—na nasa edad 22-38—ay nagtatrabahong security guard sa mga pribadong kumpanya sa Kuala Lumpur at mga karatig-lugar. Aniya, isang 22-anyos na suspek ang dati nang nakipagbakbakan sa militar ng Pilipinas at sangkot sa mga pagdukot sa Mindanao.

Ang Abu Sayyaf ay hayagang tagasunod ng Islamic State, at kasama ang Maute Group, ay naglunsad ng pagsalakay sa Marawi City sa Lanao del Sur noong Mayo 23.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mohamad Fuzi na Setyembre 2015 nang nakapasok sa Malaysia ang mga suspek mula sa Sabah sa Borneo island, na tinatawid lamang ng bangka mula sa Mindanao, at gumamit ng mga pekeng dokumento upang makarating sa Kuala Lumpur.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag pa niya, ang pagdakip ay batay sa impormasyong nakuha nila kasunod ng pagkakaaresto noong Agosto 30 sa walong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf—dalawang Pinoy at anim na Malaysian. Ayon sa pulisya, plano umano ng grupo na magsagawa ng pag-atake sa closing ceremony ng Southeast Asian Games at guluhin ang Independence Day parade noong nakaraang buwan.