ANG tatlong araw na semi-finals na ginaganap na 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby ay magsisimula ngayon tampok ang unang grupo ng mga entries na naglaban sa kanilang eliminasyon noong nakaraan Biyernes na muling maghaharap para sa karapatan na maka-abante sa finals.

Ang nagbabalik na sikat na gamefowl breeder na si John Capinpin ay mabilis na nagparamdam matapos na ipanalo ang apat niyang laban gamit ang kanyang dalawang entry na 114 RT JCap 2 at Jcap-Roan kasama si Jun Bacolod.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 10-araw na labanan ay itinataguyod ng Thunderbird Platinum and Resorts World Manila.

Nakalusot din sa matikas na elimination ng mga entries na Balete Eco Farm (Boss Emong, Arturo Suarez & Peter Alsosa), BMJ-SB MAN (Sonny Manalastas & Boy Gamilla), Gegar Gamefarm 1 (Gerry Ramos), Kaliwete BSF (Raffy Zaide), RMJP/SPO2/www.Sabongtambayan.net (Rene Maglayo/Jhay Pableo/John Paul Punzalan/Joemar Palomaria/Gilbert Garcia/Alquin Senido/SPO2), G.E. Lavender AE Maria EC (Atty. Gilbert Escoto), March 4, 2018 Gen. Arena Jared & Friends (Honeyboy Perez/Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Jonjon Abalos), Boss Carlo (Mayor Goto & Bokal Cholo), Be My Guest Pasay Oct. 13 5-Stag (Vandolph/MYC/PS/PZD-JPY), Brick Yard ARL Thor (Art Lopez), Thor Mr. Hyde 2 (DC/NU), San Roque/Aldo (Mayor Goto/Aldo), AA/LA Fantastic Oct. 8/4-Stag (Mayor Amben & Larry Amante), Super Striker/A.A.O. -6 Sept. 30 5-Stag LPC SRA (Gerry Ramos), Sto. Niño (Kelson Troy/Engr. Sonny Lagon), Chicka Babes & Sarsi & Gerry (Dr. Boy Tuazon), J & B Kaingin 1 WC (Jojo Cruz), Paniqui-I April 17, 2018 5-Cock (Alex Roxas) at Blue Blade Nov. 5 Gallera de Manila 110K (Don Ferdinand & Engr. Sonny Lagon)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Magpapatuloy ang 3-stag semis bukas Setyemre 19 (Group B) at sa Set. 20 (Group C). Pagkatapos ng semis, lahat ng entry na may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4-stag finals sa Set. 21 (A), 22 (B) & 23 (C).

Lahat naman ng may iskor na 4, 4.5 at 5 puntos ay magtutuos sa Setyembre 24 para sa kanilang four-stag grand finals.