ON the way home ay dumaan kami sa shooting ng Pambansang Thirdwheel nina Sam Milby at Yassi Pressman kasama sina Candy Pangilinan, Cholo Barretto at Kim Molina sa venue sa Urology Center of the Philippines along Maginoo Street, Barangay Piñahan, Quezon City.

Masaya ang atmosphere sa set at magaan ang mga nakita naming eksena, hindi namin nakitang ngarag ang buong production sa pangunguna ni Direk Ivan Andrew Payawal produced ng Viva Films at line produced naman ng IdeaFirst Company.

Yassi at SamAliw na aliw kami kay Sam dahil habang inaayos ang set ay parang batang iwas nang iwas sa amin kaya talagang nilapitan namin siya at sinabihan kami ng, “na-miss mo ako?”, sabay tawa ng aktor.

May tsika kasing hiwalay na raw sina Sam at Mari Jasmin dahil in-unfollow siya sa Instagram gayong dito sila nagkakilala nu’ng ang model/blogger/TV host ang unang nag-follow sa aktor.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Pero hindi naman namin nakitaan ng lungkot si Sam dahil panay ang ngiti at maganda ang aura nito at nakikipag-biruan pa sa lahat bagay na malayo kapag heartbroken siya at nakita na namin siyang ganito noong naghiwalay sila ni Anne Curtis.

Speaking of Anne, may nagkuwento sa amin na masaya nga raw si Sam sa nalalapit na kasal ng ex-girlfriend niya dahil in speaking terms naman na sila.

Samantala, alas dose pa lang ay pack-up na ang shooting ng Pambansang Thirdwheel at nagulat kami dahil ang aga.

“Ganito po talaga sa IdeaFirst, maaga kaming mag-umpisa kaya maaga rin ma-pack up,” sabi sa amin para raw iwas sakit at para hindi na rin maging ‘sabaw’ na ang mga artista.

Bago umalis si Sam ay kinumusta namin at sinagot kami ng, “Very busy po, Ate Reggs, masaya.”

Kaya hindi namin nagawang itanong kung totoong hiwalay na sila dahil maganda ang mood at looking forward siya sa mga next shooting days niya at pinaghahandaan na rin niya ang next teleserye niya na base sa aming source ay sa unit ni Direk Ruel S. Bayani kasama sina Jericho Rosales at Yam Concepcion. --Reggee Bonoan