Ni JIMI ESCALA

DAHIL siguro sa kasalukuyang takbo ng pulitika sa Pilipinas kaya nag-iba na ang plano ng Darling of the Press ng PMPC Star Awards for Movies na si Luis Manzano. Napabalita noon na papasukin niya ang pulitika, na ngayon ay isinantabi na niya.

LUIS_please crop copy copy

Katwiran ni Luis, maramin namang paraan upang magawa niya ang hangarin niyang makapagsilbi sa mga kababayan natin.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“I believe na we are all here to serve, it depends on what capacity. It could be sa public office or sa ibang field.

Pero ako naman at para sa akin, eh, ibang fulfillment din ‘yung pagsi-serve sa mga tao sa pamamagitan ng telebisyon.

“I mean, for example, ‘yung may makasalubong ka lang at sasabihin nilang ‘Luis, nakakatwa ka mag-host, gusto ka namin,’ at kung anu-ano pang magagandang sabi nila sa pagho-host mo, eh, iba na ang dating noon, di ba?” sey ng panganay ni Congreswoman Vilma Santos.

Kahit papaano ay aware na siya sa takbo ng buhay sa public service dahil naging mayor, gobernador at ngayon ay congresswoman ang kanyang ina, ang kanyang stepfather ay si Sen. Ralph Recto at ang daddy mismo niyang si Edu Manzano ay naging politician din.

“I witnessed firsthand both my parents, my dad and my mom and my stepdad, say ‘you change lives because of what you’ve done.’ And I believe naman at any point in our lives we are bound, our responsibility, our obligation, to make life easier for someone else,” magandang pananaw ni Luis.

Samantala, nagpasaring na rin naman si Luis sa sinasabing malapit nang paglagay niya sa tahimik. Ngayon nga raw na 36 years old na siya, dapat lang na pag-isipan na niya ang bagay na ito.

“Hopefully, pero sabi ko na, as always Jessy is only 24 years old, so I have to consider ‘yung obligasyon niya sa pamilya niya. So, hopefully, I mean, I’m a hopeless romantic,” lahad pa ng host ng I Can See Your Voice na pilot na ngayong Sabado.