Para athletes, sisimulan ang target na 27 ginto sa ASEAN Para Games.

KUALA LUMPUR (AP) – Paparada ang delegasyon ng bansa para sa pormal na pagbubukas ngayon ng 9th ASEAN Para Games sa Kuala Lumpur National Stadium.

Nakatuon ang pansin kay Josephine Medina, ang Rio Paralympics table tennis bronze medallist, matapos na spangunahan ang kabuuang 111 atleta sa Athletes Village para sa biennial meet na nakatakda sa Setyembre 17-23.

Target ng Pinoy, tatayong host sa ASEAN Para Games sa 2019, ang 27 gold medals sa 12 sports -- athletics, archery, badminton, boccia, chess, cycling, goalball, powerlifting, swimming, table tennis, tenpin bowling, at wheelchair basketball.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Ngunit, liyamado ang Pinoy sa chess na humakot ng anim na ginto, anim na silver at dalawang bronze medal sa nakalipas na edition sa Singapore.

Ngayong taon, puntirya ng Team Philippines na mawalis ang pitong event sa chess competition na nakatakda sa Setyembre 18-22 sa Malaysian International Trade and Exhibition Centre (MITEC).

Pangungunahan ni Minandro Ridor, magwagi ng apat na ginto sa Singapore noong 2015, ang chess team, habang pambato rin si powerlifter Adeline Dumapong-Ancheta.

“We are represented by 17 competitors in chess and I am confident Philippines will rise to perform better than in Singapore,” sambit ni Ridor.

Nagpahayag din ng kumpiyansa si Philippines Deputy Chef de mission, Dennis Esta, sa magiging kampanya ng koponan para maisakatuparan ang kanilang layunin.

“The Philippines chess team has been training and competing in several international tournaments in preparation for the Para Games. Now they have arrived oozing with confidence,” pahayag ni Esta.

Kung papalarin, malalagpasan ng Para athletes ang 24 gintong medalya na napagwagihan ng regular athletes sa nakalipas na 29th Southeast Asian Games dito rin sa Kuala Lumpur.

Umaasa naman si Dumapong, 43, nagbigay sa bansa ng unang medalya sa Para Games nang magwagi ng bronze medal sa Sydney, Australia may 17 taon na ang nakalilipas, na mapatataas niya ang morale ng mga kasangga.