Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

12 n.t. -- JRU vs Letran (jrs/srs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 n.h. -- Mapua vs EAC (srs/jrs)

MAKABALIK sa winning track at tumatag sa kinalalagyang third spot ang tatangkain ng Jose Rizal University sa pagtutuos nila ng Letran sa unang laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Nasa likod lamang ng Heavy Bombers, ganito rin ang hangad ng Knights na tulad ng JRU ay nabigo sa unang laro sa second round.

Natalo ang Heavy Bombers ng Arellano University Chiefs, noong Setyembre 7, 109-115 na nagbaba sa kanila sa markang, 6-4, habang nabigo naman ang Knights sa kamay ng University of Perpetual ,82-88 sa parehas ding petsa na nagsadlak naman sa kanila sa patas na barahang 5-5, kapantay ng season host San Sebastian College.

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na 2:00 ng hapon na susundan ng sagupaan ng Mapua University at ng Emilio Aguinaldo College ganap na 4:00 ng hapon.

Inaasahang mamumuno sa tangkang pagbalikwas ng Heavy Bombers sina Tey Teodoro, Jed Mendoza, Ervin Grospe, Abdulrazak Abdulwahab at Aaron Bordon.

Sa kabilang dako, tatapatan naman sila nina Rey Nambatac, JP Calvo, Bong Quinto, Jerrick Balanza at Jeremiah Taladua.

Samantala sa tampok na laro, magtatangka naman ang EAC Generals na kumalas mula sa 3-way tie nila Perpetual Atlas at Arellano Chiefs sa ikalimang posisyon taglay ang barahang 4-6.

May nalalabi na lamang walong manlalaro, pipilitin pa rin ng Cardinals na makaahon sa kinasadlakang buntot ng standings taglay ang nag-iisang panalo kontra 9 na kabiguan.