MEXICO CITY (Reuters) – Umakyat na sa 90 ang mga namatay sa lindol na tumama sa Mexico noong Huwebes ng gabi matapos ipabatid ng mga awtoridad sa katimugang estado ng Oaxaca nitong Sabado ng gabi na mayroong 71 kumpirmadong nasawi sa estado.
“It’s 71 (dead). Just for Oaxaca,” sabi ni Jesus Gonzalez, tagapagsalita ng state civil protection authority.
May 15 katao ang namatay sa katabing estado ng Chiapas, at apat pa sa estado ng Tabasco sa hilaga.
Ang 8.1 magnitude na lindol na tumama sa Chiapas noong Huwebes ay mas malakas kaysa mapinsalang lindol noong 1985 na pumatag sa malaking bahagi ng Mexico City at ikinasawi ng libu-libong katao.