Ni MARIVIC AWITAN

Mga Laro Ngayon

(Fil-Oil Flying V)

12 nt- JRU vs Mapua (jrs)

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

2 n.h. - JRU vs Mapua (srs)

4 n.h. --SBC vs AU (srs)

6 n.g. -- SBC vs AU (jrs)

MAISARA ang kampanya sa panalo para makabuwelo papasok ng ikalawang round ang tatangkain ng apat na koponang Jose Rizal University , Mapua University, defending champion San Beda College at Arellano University ngayong hapon sa NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Sisikapin ng Red Lions na hatakin ang naitalang 6-game winning run hanggang pitong laban sa pagtutuos nilang muli ng Chiefs ganap na 4:00 ngayong hapon pagkatapos ng tapatan ng juniors at seniors squads ng JRU at Mapua ganap na 12:00 ng tanghali at 2:00 ng hapon, ayon sa pagkakasunod.

Huling tinalo ng San Beda ang University of Perpetual noong nakaraang Agosto 17 sa mismong homecourt ng huli sa Las Piñas City sa iskor na 57-51.

“We know that they’re main man is Kent Salado but we have to be ready because they have players who can step up also,” sambit ni coach Boyet Fernandez ng Beda.

Sa kabilang dako, kababalik lang sa winning track matapos ang natamong 3-game losing streak, umaasa ang Chiefs na magtuluy-tuloy ang magandang laro na ipinakita sa nakaraang 87-81 panalo nila kontra College of St. Benilde noong nakaraang Biyernes.

Tatangkain ng tropa ni coach Jerry Codiñera na makatabla sa ikalimang posisyon kasama ng season host San Sebastian College at Emilio Aguinaldo College na kapwa may markang 4-5.

Mauuna rito, tatangkain ng JRU na palawigin din ang naitalang 3-game winning streak na tinampukan ng kanilang NCAA on Tour win kontra San Sebastian College noong Huwebes sa iskor na 73-62 sa pagsagupa nila kontra “hardluck” Mapua.

Nawala ang skipper at ace gunner na si Andoy Estrella dahil sa MCL, isa pang Cardinal ang nabawas sa roster ng koponan sa katauhan ni Kim Magboo na sinamang palad ding ma-injured sa nakaraang laban nila sa league leader Lyceum of the Philippines.