Ni Marivic Awitan

Nakabalik na sa kanyang dating playing condition, handa nang makapag -ambag si Larry Fonacier at ito ang ginawa niya noong nakaraang Linggo matapos pamunuan ang NLEX sa 103-100 paggapi sa powerhouse San Miguel Beer sa nakaraan nilang pagtatapat sa ginaganap na PBA Governors’ Cup.

Ang kabayanihan ng 6-2 na si Fonacier ay tinampukan ng dalawang 3-point shots sa crucial stretch upang tulungang ipanalo ang Road Warriors na nag angat sa kanila sa barahang 6-2, panalo-talo.

Nakuha noong nakaraang Mayo ang 35-anyos na si Fonacier, sa bisa ng 3-team trade, nagtala ito ng 8 sa kanyang 16 puntos sa final period, bukod pa sa 4 rebounds at 3 assists na naging daan upang makamit nya ang PBA Press Corps Player of the Week noong Agosto 21-27.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Tinalo niya para sa citation ang Rain or Shine guard Jericho Cruz at big man Raymond Almazan, Blackwater forward Bambam Gamalinda at Mike DiGregorio, TNT forward Kelly Williams at Roger Pogoy, Ginebra’ slotman Greg Slaughter at guard Scottie Thompson.

Naka recover na mula sa foot injury, nagtala ng average na 9.38 puntos, 3.75 rebounds at 3.25 assists ngayong conference.