Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Fil Oil Flying V Center)

8 am CSB-LSGH vs. Arellano (jrs)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

10 am Lyceum vs. Mapua (jrs)

12 pm St. Benilde vs. Arellano (srs)

2 pm Lyceum vs. Mapua (srs)

4 pm EAC vs. Perpetual (srs/jrs)

MATAPOS ang dalawang kanselasyon, matutuloy na rin ang pagtutuos ng league leader Lyceum at ng kapitbahay nilang Mapua University ngayong hapon sa NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil -Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Tatangkain ng Pirates na mawalis ang unang round sa pakikipagtunggali nila sa Mapua Cardinals.

Huling tinalo ng Pirates ang Colegio de San Juan de Letran Knights nitong nakaraang Biyernes.

Magtutuos ang Pirates at ang Cardinals ganap na 2:00 ng hapon matapos ang unang seniors game kung saan magtatapat ang College of St. Benilde at Arellano University ganap na 12:00 ng tanghali pagkatapos ng nakatakdang unang dalawang laro sa juniors division na magsisimula ng 8:00 ng umaga.

Sa kabila ng kanilang pamumuno hindi binibigyang pansin ng Lyceum coach Topex Robinson ang kaisipan sa sweep. Sa halip mas gusto niyang ituloy lamang ang nasimulang adhikaing maglaro at ibigay ang lahat ng kanilang makakaya para makapagbigay ng inspirasyon sa iba lalo na sa mga sumusuporta sa kanila.

Habang nangunguna ang Lyceum, inabutan naman ng kamalasan ang Cardinals na pilay na ang roster bago pa magsimula ang season ay nabawasan pa sa kalagitnaan ng first round matapos sinamang palad na ma injured ang mga beterano at key players na sina Leo Gabo at Andoy Estrella.

Kasalukuyang nasa buntot ng standings ang Cardinals hawak ang barahang 1-6, taliwas ng Lyceum na may markang 8-0.

Magtatangka ang Chiefs na maputol na ang binagsakan nilang losing skid sa pagtutuos nila ng Blazers na gusto ding makaahon sa bottom 3 ng standings.

Samantala sa huling seniors game, sisikapin ng Emilio Aguinaldo College na makaahon sa kinahulugang tatlong dikit na kabiguan sa pagtutuos nila ng University of Perpetual na naghahangad namang bumangon sa pagkatalong nalasap sa kamay ng defending champion San Beda na ipinahiya sila noong Huwebes sa mismong home court nila sa Las Pińas City.

Magtatapat ang Generals at Altas ganap na 4:00 ng hapon na susundan ng salpukan ng kani -kanilang junior squads ganap na 6:00 ng gabi.