Ni REY BANCOD

KUALA LUMPUR – Sa kabila ng bansag na liyamado, hindi mapakali si Gilas Cadet coach Jong Uichico sa napipintong laban sa semifinal sa men’s basketball sa 29th Southeast Asian Games.

Pinag-aralan mabuti ni Uichico ang galaw ng posibleng maging karibal na Singapore.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“We’re taking Singapore seriously,” sambit ng beteranong coach.

May dahilan para hind imaging kampante si Uichico. Ispesyal ang basketball sa sambayanan, higit at galing sa kabiguan ang Gilas sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.

Hindi rin kampante si Uichico higit at nanganilangan ang Pinoy cagers nang higit na lakas para maigupo ang Malaysia, 98-66, nitong Miyerkules.

Sa edad na 19, isa si Kobe Paras sa minamatyagan ni Uichico.

“That boy has a gift,” sambit ni Uichico. “He’s trying his best to play under the system.”