Ni Brian Yalung

BALIK aksiyon ang Country Wide Basketball League (CWBL).

Isang taon matapos magpahinga bunsod nang ilang isyu sa organisasyon, magbabalik ang commercial league sa Oktubre kalakip ang bagong programa at istraktura dulot nang pakikiisa ng mga bagong marketing partner, promotions at media coverage.

Nagbubukas ng bagong oportunidad at pagkakataon ang CWBL sa mga players, gayundin ang paghikayat sa mga lokal na manlalaro na makibahagi sa liga mula sa home-and-away schedule.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tapik sa balikat ng mga players, higit yaong mga nasa lalawigan na mabigyan ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang kakayahan at mapabilang sa mga pangarap na nabigyan ng katuparan.

Mas pinalawak ang kakayahan na maiparating sa basketball fans ang mga aksiyon at paborito nilang players sa pinalakas na TV coverage, live streaming, sa pamamagitan ng mga social media platforms tulad ng Facebook, at YouTube.

Tinaguriang “Alternative League”, ang CWBL ay nakatakdang ilunsad tampok ang anim na koponan mula sa NCR/ Luzon at Vis-Min regions. Hindi papayagan ang koponan na maglagay ng foreign-breed players.

“For the first season, nag-decide ang Board ng CWBL na anim(6) na team lamang ang pipiliin to represent at manggagaling saLuzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao. Nais ng Board namatiyak ang tagumpay ng unang season bago tumanggap ng dagdag na mga team. Sa supporta na ibibigay ng mga local fans, medaling paramihin ang mga team na sasali sa ligang ito,” pahayag ni coach Joe Lipa

Plano ng CWBL na magsagawa ng dalawang regular conferences sa isang taon. Matapos ang regular conferences, ang apat na koponan na may pinkamagandang record ang maglalaban sa championship series para maglaban sa overall championship ng season.

“In CWBL, we want to CREATE HEROES in every community,” pahayag ni Sales and Marketing Vice President Rhose Montreal.

Pinangalanan bilang league commissioner si Atty. Pablo A. De Borja. Si De Borja ay Cum Laude sa Ateneo de Manila Law School noong 1974.