Pinawi ng Provincial Veterinary Officer sa Pangasinan ang pangamba ng ilang may-ari ng backyard poultry sa lalawigan, at inabisuhang huwag mataranta sa halip ay maging alerto at kaagad na i-report sa kanilang tanggapan kapag may namatay sa mga alaga nilang manok at pato.

Ito ang naging panawagan ni Dr. Eric Perez sa mga poultry owner kasunod ng report na may pato na namatay sa Manaoag.

Ayon kay Perez, hinihintay pa nila ang resulta ng pagsusuri ng Department of Agriculture (DA) sa namatay na pato.

Sa isang forum nitong Huwebes, sinabi ni Perez na hindi rin maiiwasan na may mga manok na na-heat stroke kaya may mga namamatay.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims

Samantala, bahagyang sumigla ang bentahan ng manok makaraang malaman ng mga Pangasinense na may malaking produksiyon ng broiler ang lalawigan na umaabot sa apat na milyon buwan-buwan.

Kaugnay nito, sinusuri na rin ng DA ang ilang alagang bibe ni Luzviminda Enciso, ng Barangay Holy Redeemer, Butuan City, matapos ang sunud-sunod na pagkamatay ng mga hayop.

Tiniyak naman ng DA-CÀRAGA region na gumagawa na sila ng mga hakbang upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng mga nabanggit na bibe. - Liezle Basa Iñigo at Rommel P. Tabbad