Hindi isinusuko ng Pilipinas ang pag-aaring isla sa West Philippine Sea sa kabila ng presensiya ng mga barko ng China malapit sa lugar, sinabi kahapon ng isang opisyal ng Palasyo.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., ang Sandra Cay, isang sandbar na malapit sa Pag-asa Island, ay “not seized” ng China ngunit nagpadala ng coast guard ship sa lugar.

“We claim that Pag-asa is part of Kalayaan municipality. China claims it to be part of their territory inside the 9-dash line. Therefore the area remains as a disputed area. But of course we are not giving up the sandbars (Sandy Cay),” aniya.

Ito ang naging pahayag ni Esperon matapos manawagan sa pamahalaan ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na aksiyunan ang pananakop ng China sa teritoryo ng Pilipinas, partikular na sa Sandy Cay. - Genalyn D. Kabiling

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon