KUALA LUMPUR – Nakadama ng takot at pangamba ang sambayanan, ngunit naging matatag ang Gilas Pilipinas sa krusyal na sandali para maigupo ang matikas na Thailand, 81-74, nitong Linggo ng gabi sa opening day ng men’s basketball competitions ng 29th Southeast Asian Games.

Naisalpka nina Kiefer Ravena, Baser Amer, Bobby Ray Parks, at Christian Standhardinger ang importanteng baskets sa huling sandali para maisalba ang matikas na hamon ng Thais at nagbigay nang walang kahalilip na ligaya sa ga migranteng Pinoy na nanood sa MABA Stadium.

Binubuo ng mga mga non-PBA talents, nakadama ng pangamba ang Gilas bench nang manatiling nakadikit ang Thais sa kabuuan ng laro, sa pangunguna ni Thai-American Tyler Lamb.

Nagawang makababante ng Thais, 71-69, may apat na minuto ang nalalabi sa laro.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naisalpak ni Ravena ang dalawang free throws at nasundan ng clutch jumper ni Amer para tampukan ang 8-0 run at agawin ang kalamangan sa 77-71.

Nanatiling nakadikit ang Thais bago nakaiskor ang 6-8 Fil-German na si Standhardinger, galing sa bigong kampanya ng Gilas sa Fiba Asia Cup sa Beirut, Lebanon, mula sa assist ni Amer para sa 79-74.

Nanguna si Troy Rosario sa Gilas Cadet sa natipang 16 puntos at 10 rebounds, habang kumubra si Standhardinger ng 15 puntos at 10 boards.

Kumubra si Parks ng 14 puntos at umiskor si Ravena ng 11 puntos.

Nagsalansan si Lamb ng 17 puntos para sa Thailand, kabilang ang baskets na nagtabla sa iskor sa 62-all.

Iskor:

Philippines (81) - Rosario 16, Standhardinger 15, Parks 14, Ravena 11, Tolomia 8, Amer 6, Jose 6, Vosotros 3, Ferrer 2, Paras 0, Pessumal 0.

Thailand (74) - Lamb 17, Samerjai 12, Ananti 11, P. Klahan 10, Jakrawan 9, C. Klahan 5, Kruatiwa 4, Apriomvilaichai 4, Chanthacon 2, Ghogar 0, Muangboon 0, Lakhan 0.

Quarters: 22-12, 36-34, 60-59, 81-74.