Ni BETH CAMIA

Hindi sinipot ng negosyanteng si Peter Lim ang pagsisimula ng imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ) sa kasong ilegal na droga na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa kanya.

Kerwin Espinosa arrives at the Department of Justice in Manila to attend a hearing on illegal drugs yesterday. He is also expected to face with Peter Lim also at the DOJ to determine their connection with the selling of shabu.(photi by  ali vicoy)
Kerwin Espinosa arrives at the Department of Justice in Manila to attend a hearing on illegal drugs yesterday. He is also expected to face with Peter Lim also at the DOJ to determine their connection with the selling of shabu.(photi by ali vicoy)

Paulit-ulit na itinanggi ang taguri sa kanya bilang big-time drug lord sa Visayas, tanging mga abogado ni Lim ang dumalo sa pagdinig.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Hindi rin sumipot sa unang araw ng imbestigasyon ng Do J ang convicted drug lord na si Peter Co, na kabilang sa mga nahaharap sa kasong illegal drug trade.

Bukod kina Lim at Co, kinasuhan din sa DoJ, sa paglabag sa Section 26 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165), ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa; at ang iba pang bilanggo sa National Bilibid Prisons (NBP) na sina Marcelo Adorco, Max Miro, Lovely Adam Impal, Ruel Malindangan, at Jun Pepito.

Dumalo naman sa preliminary investigation si Espinosa, na nakasuot ng bullet-proof ng National Bureau of Investigation (NBI).

Batay sa reklamo ng CIDG, Si Lim ang itinuturong supplier ng droga ng grupo ni Espinosa.

Iginiit naman ng isa sa mga abogado ni Lim na si Atty. Magilyn Loja na kliyente niya si alyas “Jaguar” na itinuturo ng PNP.

Itinakda ng DoJ panel ang susunod na hearing sa Agosto 24, at inaasahang sa nasabing petsa ay maghahain na ng kanyang counter affidavit si Peter Lim.