MULING nagtamo nang nakapanghihinayang na kabiguan si Janelle Mae Frayna kontra Dutch Eric Sparenberg sa ikawalong round ng 21st Hogeschool Zeeland Open 2017 sa Vlissigen, The Netherlands.

Natikman ng 21-anyos na si Frayna ang ikatlong sunod na kabiguan matapos matalo kina Grandmasters Konstantin Landa of Russia at Attila Czebe ng Hungary.

Tangan ng tanging Woman GM ng Pilipinas ang kabuuang 4.5 puntos.

Sumasabak si Frayna sa European Tour upang mapataas ang kanyang world ranking. Suportado siya ng Philippine Sports Commission, National Chess Federation of the Phl, FEU’s Aurelio Montinola, The Philippine STAR’s Miguel Belmonte, Edward Go, Senate President Koko Pimentel at Bobby Ang.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagwagi naman ang coach ni Frayna na si GM Jayson Gonzales kontra Dutch Andries Mellema para makausad ng kalahating puntos ang layo sa liderato.

Kasosyo si Gonzales sa ikawalong puwesto tangan ang 6.5 puntos kasama ang pitong iba pa na kinabibilangan ni top seed GM Eduard Itturrizaga Bonelli.

Sunod na haharapin ni Gonzales si Dutch IM Hugo Ten Hertog sa final round.