PUNONG-PUNO ng kasiyahan at katiwasayan ang damdamin ng bawat batang kalahok mula sa 10 pampublikong eskwelahan na nakibahagi sa Philippine Sports Commission (PSC) Kadayawan Girls Volleyball kahapon sa University of Mindanao-Davao.
Mula sa inspiradong mensahe sa mga miyembro ng Philippine Team na sasabak sa Southeast Asian Games (SEAG) sa Kuala Lumpur, Malaysia, kaagad na tumulak patungong Davao si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez upang makiisa at pormal na buksan ang torneo na naglalayong palakasin ang pundasyon ng sports sa kaisipan ng kabataang Pinoy.
“This project underscores the PSC’s thrust to involve children in sports. Like the Children’s Games that we hold in different areas around the country, this also targets girls up to 12 years old and exposes them to structured competition” pahayag ni Ramirez.
Inorganisa ng PSC ang programa, sa pangangasiwa ni PSC Commissioner Charles Maxey, sa pakikipagtulungan ng Sports Development Division-City Mayor’s Office (SDD-CMO) at Department of Education (Deped)-Davao.
Ikinasiya ni Davao City Mayor SaraDuterte, kinatawan ni Pocholo Elegino, SDD-CMO Program Director, ang pagpupursige ng pamahalaan na palakasin ang sports sa Davao.
“The program showcases the Dabawenyo integrity and sportsmanship, promotes development in the physique and moral values of the athletes, and also creates opportunities for equal participation among sectors,” pahayag ni Mayor Duterte sa pahayag na binasa ni Elegino.
“Grab this opportunity to pursue your dreams. You are all welcome to embrace the skill you have, and rest assured the City Government of Davao and the PSC are with you towards attaining your athletic dreams,” aniya.
Ayon kay Maxey, nais ng Deped na palawigin ang programa at isama ang iba pang sports sa mga susunod na aktibidad.
“They were happy for the girls to have a venue to display their volleyball skills. This was a project suggested by Chairman Ramirez during one of our board meetings. I am happy to organize it for the agency,” aniya.
“This is not a one-shot deal. We plan to make this a regular activity,” giit ni Maxey.
[gallery ids="259728"]