ISANG panalo na lamang ang layo ng Cignal para sa kampeonato sa men’ division ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Nadomina ng Cignal ang Mega Builders, 25-23, 21-25, 25-19, 25-17, sa Game One ng kanilang best-of-three titular showdown nitong Miyerkules sa The Arena sa San Juan.

Nagsalansan si skipper Ysay Marasigan ng 21 puntos sa HD Spikers, habang nag-ambag sina Edmar Bonono at Peter Torres ng 14 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.

“One down, but it’s not yet done. To get the championship, you win two games. The job is not yet done. We have to step up pa,” pahayag ni Cignal coach Oliver Almadro.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Target ng Cignal na tapsuin ang karibal sa Game Two sa Sabado.

“Sabi ko, before you win, you have to believe you can win. Hindi pwedeng puro power, hindi pwedeng puro talent,” ayon kay Almadro.

Samantala, naitakas ng Air Force ang 25-22, 25-22, 23-25, 25-16, panalo kontra Sta. Elena para makausad sa kanilang serye para sa ikatlong puesto.