Ni: Francis T. Wakefield

Umapela ang commander ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) na kung may puso pa ang mga leader at miyembro ng ISIS-inspired na Maute Group ay hindi idadamay ng mga ito ang Mindanao State University (MSU) sa mga pag-atake.

Ito ang sinabi ni Lt. Gen. Carlito G. Galvez, Jr. nang pag-usapan ng mga opisyal ng militar at mga kasapi ng faculty ng MSU ang rekomendasyon na simulan nang muli ang klase sa unibersidad na nasa Marawi City, kasabay ng pagbubukas sa mga establisimyentong malapit dito.

Tinalakay sa pulong, na ginanap sa unibersidad, ang pagsasaayos sa seguridad at schedule sa muling pagbubukas ng klase sa MSU.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“It is really a challenge in this trying times, in the thick of the battle in the eastern side of Marawi, it is a challenge to open the MSU especially that it is one of the targets of the terrorists,” ani Galvez.

“I challenge the Maute, if you still have some goodness left in your heart, spare MSU from any harm,” dagdag pa nito.

“I dare the Maute Group to cease and desist from this any other atrocious acts that tend to terrorize students and members of the faculty of MSU that is the least they can do for the youth.”

Hinimok din ni Galvez ang mamamayan ng Mindanao na makiisa sa kanyang panawagan na itigil na ang pag-atake sa kabataan.