Ni Marivic Awitan

HANDA ang Thailand na akuin ang hosting ng 2019 Southeast Asian Games kung magwi-withdraw ang Pilipinas para sa ika-30 edisyon ng biennial meet.

Sa panayam ng The Nation/Asia News, ipinahayag ni Thailand Olympic Committee secretary-general Charouck Arirachakaran na nakahanda ang kanilang NOC na saluhin ang hosting ng pinakamalaking multi-event sports spectacle sa rehiyon kung hindi kakayanin ng Pilipinas na magsilbing host.

philippines-sea-games_2 copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Thailand had the potential to host the Games within a span of two years. Besides, the Games doesn’t require an athletes village,” pahayag ni Charouck.

“We have provinces such as Chiang Mai and Chon Buri, which have enough competition venues and can accommodate a large number of athletes,” aniya.

Matatandaang sinalo ng Pilipinas ang hosting rights ng SEA Games nang umatras ang Brunei bunsod nang ilang suliranin sa contruction ng venue at pananalapi.

Sa pakikipahtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), pormal na naipadala ang ‘letter of intent’ sa SEAG Federation Council sa nakalipas na taon.

Ngunit, ang naganap na kaguluhan sa Marawi City sa Mindanao nitong Mayo ang nagpabago sa desisyon ng pamahalaan.

Ipinahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez kamakailan matapos ang pakikipagpulong kay Executive Secretary Salvador Medialdea na iniaatras ng pamahalaan ang suporta sa SEAG hosting dahil itutuon ng Malacanang ang budget sa rehabilitasyon ng Marawi City na halos nadurog dahil sa mahigit tatlong buwan nang digmaan sa pagitang ng militar at teroristang Maute.

“More than 200,000 families have been affected by the conflict in Marawi City. Naka-focus ang ating pamahalaan para sa gagawing rehabilitasyon ng lungsod, gayundin ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga residente at edukasyon sa mga batang naging Bakwit,” pahayag ni Ramirez.

Inaasahang, maglalaan ng malaking halaga ang bansa para sa 2017 hosting. Sa huling pagkakataon na naging host ang bansa ng SEAG noong 2005, mahigit P600 milyon ang ginastos ng pamahalaan.

Bukod sa pinasiyal na aspeto, naging balakid din sa hosting ang nakabinbin na kasong graft laban kay dating Bacolod City Mayor Monico Puentevella. Tumayong chairman ng Bacolod SEA Games Organizing Committee (BASOC) si Puentevella na noo’y chairman din ng Philippine Olympic Committee (POC). Ang kaso ay nag-ugat sa kabiguan ni Puentevella na ma-liquidate ang P37 milyon na pondo ng SEA Games.

Mismong si POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, chairman ng Philippine SEAG Organizing Committee (PhilSOC) ay nabigo ring makapag-liquidate ng P27 milyon at inatasan ng Commission on Audit (COA) na magbalik ng naturang halaga sa pamahalaan.

Ayon sa panayam, sinabi ni Charouck na kailangang gawing pormal ng Pilipinas ang pag-urong sa hosting sa idaraos na SEA Games Federation Council meeting sa Agosto 17-18 sa Kuala Lumpur, Malaysia.