ni Mina Navarro

Hinimok ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang nationwide across-the-board wage hike upang maitaas ang sahod ng mga manggagawa sa gitna ng pagbagsak ng purchasing power ng piso at pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw.

“President Duterte can text or call the wage board and prod them the amount of wage increase that he desires and it will be done,” anang Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP.

Aniya ang sahod ng manggagawa ay dapat P675 bawat araw sa halip na P491 (kasalukuyan) na arawang bayad para sa mga manggagawa sa National Capital Region.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Pinepetisyon ng grupo ang taas pasahod na P184 kada araw para sa mga manggagawa sa NCR.