MAY panawagan ang mga producer ng Kita Kita na sina Piolo Pascual, Erickson Raymundo at Bb. Joyce Bernal laban sa mga pumirata sa box-office movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. Nasa Facebook at YouTube na kasi ang pelikula, ikinakalat ng mga pirata na walang malasakit sa pelikulang Pilipino.

Nag-issue ng official statement ang Spring Films tungkol dito: Mas Masakit Yung Panonood Sa Pirated At Illegal Kesa Sa Eksena Sa Movie Nating Kita Kita. Pakiusap Mga Kabayan. Huwag po dyan! Mali Po Yan!!! #NoToPiracy.”

May kasunod na hirit si Piolo na, “Para sa mga kabayan... mas masarap manood ng pelikula na hindi kailangan makonsensiya dahil pagnanakaw ang tawag sa hindi pagbayad ng tama... mahalin ang sariling atin... pakiusap #notopiracy.”

May isa pang post si Piolo tungkol pa rin sa pamimirata ng Kita Kita: “Mga Kabayan, Mula Sa Kita Kita Maraming Salamat Sa Lahat Ng Tumutulong Magreport Sa Kumakalat Na Pirated Copy.

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

“At Para Sa Lahat Ng Walang Takot At Patuloy Na Naguupload At Nagkakalat Ng Ilegal Na Kopya Ng Kita Kita Paalala Na Lahat Ng Mga Pangalan Nito Ay Nasa Kinauukulan Na. Maraming Salamat.”

May message si Piolo sa pangalawang pakiusap niya sa mga pirata: “It has to stop somehow... and we’re taking the initiatives... what a shame to even share the movie on FB: (this is who we are and it only speaks the kind of people we become bec of what we do...side note: we’re showing in 200 cinemas nationwide starting tom and our international release will start the soonest...thank you kabayan for the overwhelming demand.”

Nakakatuwa lang dahil kahit patuloy na pinapanood ang Kita Kita, hindi tumitigil sina Alex at Empoy sa kanilang theater tour. Noong isang gabi, nasa Gateway silang dalawa, sinabayang manood ang moviegoers at personal na nagpasalamat sa kanila.