Ni Marivic Awitan

Mga Laro sa Martes

(Filoil Arena, San Juan)

12 n.t. -- EAC vs AU (jrs)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

2 n.h. -- EAC vs AU (srs)

4 n.h. -- Mapua vs St. Benilde (srs)

6 n.h. -- Mapua vs St. Benilde (jrs)

Altas, gutay sa pananambang ng Lyceum Pirates.

BABALA: Mapanganib, may Pirata na nananalasa sa NCAA Season 93 basketball.

Walang habag na sinalanta ng Lyceum of the Philippines University Pirates ang nanlumong Perpetual Help Altas, 76-58, nitong Biyernes para hilahin ang dominasyon sa anim na sunod na panalo sa seniors varsity basketball sa FilOil Arena sa Pasay City.

Hataw si CJ Perez sa nakubrang 19 puntos, habang nagdiwang si team captain MJ Ayaay ng ika-24 na kaarawan sa impresibong 12 puntos at siyam na rebound para mapanatiling walang gurlis ang marka ng Pirates sa solong liderato ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.

“laro lang kami, kung ano yung sabi ni coach yun lang ang sinusunod naming. Talagang gutom lang sa panalo kaya kahit medyo inalat sa una, hataw naman sa krusyal na sandali,” pahayag ni Perez.

Naungusan ng Altas, 34-35, sa kaagahan ng third quarter, humarurot ang Pirates at nalimitahan ang karibal sa matikas na full-court trap upang tuluyang makaarya para sa isa pang dominanteng panalo.

Nanguna si Nigerian Prince Eze sa naiskor na 21 puntos at 19 rebound para sa Altas na bumagsak sa 2-3 karta.

Nauna rito, naisalba ng defending champion San Beda ang pagkalagas ng tropa bunsod ng ‘pagkasira ng tiyan’ nang maungusan ang Jose Rizal Heavy Bombers sa low-scoring duel, 54-48.

Nanatiling nasa ikalawang puwesto ng team standings ang Red Lions na may 5-1 marka.

Kumawala si Clint Doliguez, transferee mula sa Ateneo, sa natipang career-high 22 puntos para sandigan ang Red Lions at ipalasap sa Bombers ang ikatlong kabiguan sa limang laro.

Sa juniors’ division, ginulat ng Jose Rizal ang powerhouse San Beda, 77-70, para sa unang panalo matapos ang apat na sunod na kabiguan.

Kumubra si Javine Serrano ng 22 puntos at 11 rebound, habang nagsalansan sina John Amores at John Sicat ng pinagsamang 18 puntos. Ito ang ikalawang panalo ng Light Bombers sa Cubs sa nakalipas na siyam na season.

Ginapi naman ng LPU ang Perpetual, 89-86.

Iskor:

(Unang laro)

San Beda (54) – Doliguez 22, Mocon 7, Tankoua 7, Bolick 6, Presbitero 5, Soberano 2, Noah 2, Abuda 2, Potts 1, Carino 0, Tongco 0

Jose Rizal 48 – Bordon 13, Mendoza 12, Grospe 10, Teodoro 5, Abdul Razak 2, Lasquety 2, Poutouochi 2, David 2, Dela Virgen 0, Castor 0

Quarterscores: 10-10, 28-14, 39-32, 54-48

(Ikalawang laro)

LPU (76) – Perez 19, Ayaay 12, Nzeusseu 9, Baltazar 9, Marcelino JV 8, Ibanez 5, Marcelino JC 4, Caduyac 4, Santos 4, Serrano 2, Tansingco 0, Marata 0, Liwag 0

Perpetual Help (58) – Eze 21, Ylagan 7, Dagangon 7, Pido 6, Coronel 6, Sadiwa 4, Hao 3, Singontiko 2, Casas 2, Yuhico 0, Lucente 0, Tamayo 0, Mangalino 0

Quarterscores: 16-13, 34-30, 52-40, 76-58