NATIKMAN ni Janelle Mae Frayna ang ikalawang sunod na kabiguan, sapat para masipa palabas ng top 20 sa Women’s International Open sa Erfurt, Germany.
Nauungusan ang pambato ng Pinas kontra Latvian Linda Kruminda. Nauna rito, kinapos ang 21-anyos na si Frayna, 21, kontra Women Grandmaster Evgeniya Doluhanova ng Ukraine.
Bunsod nito, nalaglag ang Philippine top board player sa Olympiad tangan ang 3.5 puntos para sa sosyong ika-25 hanggang ika-34 spots.
Matikas ang simula ni Frayna nang pabagsakin si WGM Galina Strutinskaia ng Russia bago tumabla kontra kina WGMs Joanna Majdan ng Poland at tumabla kina Ilze Berzina ng Latvia at Woman International Master Nino Khomeriki of Georgia.
Nagwagi rin siya kay German Victoria Wagner ng Germany sa opening round.
Target ni Frayna na walisin ang nalalabing dalawang laro kabilang ang laban kay Vietnam-born German Nguyen Ha Tanh.
Ang Erfurt tilt ang ikatlog torneo ni Frayna para sa kanyang kampanya sa Europe na nakita niyang makapagbibigay sa kanyang kinakailangang puntos para sa international ranking.
Suportado si Frayna ng Philippine Sports Commission, sa pamumuno no Chairman William “Butch” Ramirez.