NI: Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac - Sinalubong ng kamatayan ang isang tricycle driver at pasahero nito makaraan nilang makabanggaan ang isang kotse sa Manila-North Road sa Barangay Cut-Cut 1st, Capas, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni PO3 Arlan Herrera ang mga nasawi na sina Joseph Patangui, 25, driver ng tricycle (SM-6891); at Bryan Dey David, 20, kapwa taga-Bgy. Aranguren, Capas, Tarlac.

Ayon sa report, nakabanggaan ng tricycle ang Toyota Vios (XPT-684) na minamaneho ni Emilnito Telles, 27, ng Bgy. Tabun, Mabalacat City, Pampanga.
Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!