Ni Marivic Awitan

NLEX palalawigin ang winning run kontra Phoenix.

Maipagpatuloy ang nasimulan nilang 3-game winning run ang tatangkain ng NLEX habang magkukumahog namang bumawi sa natamong kabiguan sa una nilang laban kontra Meralco ang crowd favorite at defending champion Barangay Ginebra sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayong hapon sa 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

3 copy copy

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Bagamat kasalukuyang nangunguna matapos ipanalo ang unang tatlo nilang laro, pinakahuli kontra sa dating koponan ng kanilang headcoach na si Yeng Guiao-ang Rain or Shine( 122-114), sinabi ng mentor na hindi pa sila puwedeng ikunsiderang contenders.

“We have to learn how to win games like this if we want to go up to the next level,” pahayag ni Guiao matapos ang panalo sa Elasto Painters. “The challenge is to beat contenders and to beat them in a hard game like this.”

“It feels good winning this time, it’s the opposite feeling coming of losing the last two conferences. We are still not contenders, we are just having a good run,”dagdag pa ni Guiao.

Gaya ng mga nauna nilang panalo, sasandigan ng Road Warriors upang pamunuan ang pagpuntirya sa ika-4 na sunod nilang panalo sina import Aaron Fuller at ang inspirado nilang guard na si Kevin Alas na muling nagsalba sa koponan sa nakarang double overtime win nila kontra Rain or Shine.

Sa panig naman ng kanilang katunggaling Phoenix, tiyak namang magkukumahog para makabawi at maibalik sa winning track ang Fuel Masters ang import nilang si Eugene Phelps sampu ng Gilas member na si Matthew Wright na tumapos na mayroon lamang 4 na puntos sa nakaraang pagkatalo nila sa Globalport (91-100).

Sa tampok na laban, tiyak namang pagbawi ang iniisip ng Barangay Ginebra Kings makaraang mabigo sa nakaraang rematch nila ng nakatunggaling Meralco noong nakalipas na taong finals sa iskor na 78-93.

Umaasa ang Kings maging ang nagbabalik nilang sentro na si Greg Slaughter na mabilis na makakapag-adjust ang huli at mahuhuli ang kasalukuyang team chemistry na kasalukuyan nitong kinakapa pagkaraan ng mahigit isang taong pagkawala sanhi ng injury.

“I think we just have some chemistry to figure out. I’m coming in after over a year, during that time we really had a lot of success, so it’s up to me to try to figure out how to fit in with everyone,” pahayag ni Slaughter na dismayado sa kanilang naging pagkatalo sa Meralco.

“We have a different style of play now. So I’m looking how I can fit in, help everyone else, compliment our team to be better,” dagdag nito.

Ngunit inaasahang hindi ito magiging madali para sa Ginebra, lalo pa’t natagpuan na ng Batang Pier ang kanilang hinahanap na import na inaasahan nilang malaki ang maitutulong sa kanilang kampanya at inaasam na pag-angat ngayong season ending conference sa katauhan ni Murphy Halloway.

“I think we found the perfect fit for us, the inside presence that we need” pahayag ni Batang Pier coach Franz Pumaren matapos ang impresibong debut game ni Holloway kontra Phoenix kung saan nagtala ang ipinalit nila kay Jabril Trawick ng 29 puntos, 26 rebounds, 3 assists, 2 steals at 3 blocks.