Hindi babalewalain ng Kamara ang mga duming nahuhukay ng mga kalaban ng Bureau of Customs (BoC) chief of staff na si Atty. Mandy Anderson ngunit hindi rin nila ito bibigyan ng prioridad upang hindi sila mailigaw ng mga sinasabi ng abogada sa kanilang pagsisiyasat sa P6.4-bilyon illegal drug smuggling sa ahensiya.

Nang sumikat sa pagbatikos at pagtawag kay House Speaker Pantaleon Alvarez bilang “imbecile” sa Facebook post, dinadagsa ngayon ang Kamara ng mga impormasyon tungkol sa umano’y kalokohan ni Anderson bilang abogado.

Nagpasaring din si Anderson na ang maaaring ikinagagalit ni Alvarez sa BoC ay ang pagtanggi ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa rekomendasyon ng Speaker na i-promote ang protégé nito sa kawanihan.

“Yes, I did. I sign so many recommendations each day sa dami ng nagpapatulong but until there lang,” depensa ni Alvarez sa mga komento ni Anderson sa media.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Binanggit ni Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na ang isa sa mga impormasyon na natanggap nila ay ang “outrageous falsification” na umano’y ginawa ni Anderson at ng mga panyera nito sa kanilang attendance sa Mandatory Continuing Legal Education, na nag-aatas sa lahat ng abogado na isagawa tuwing ikalawang taon upang mai-update ang sarili sa mga isinusulong sa batas at iba pang mga pagbabago sa legal profession.

Binigyang-diin ni Fariñas na ang congressional probe sa P6.4-bilyon drug smuggling sa BoC ang pinag-uukulan ng pansin ng Kamara.

Si Anderson, na 5th placer sa 2015 bar examination, ay biglang sumikat sa social at news media nang tawaging “imbecile” si Alvarez sa kanyang post sa Facebook noong Hunyo 16, ang araw na iniulat ang pagbabanta ng Speaker na bubuwagin ang Court of Appeals sa umano’y kawalan ng respeto sa kalayaan ng Kamara.