Ni: Fer Taboy

Nakasamsam ng iba’t ibang uri ng baril ang Martial Law Special Action Group (MLSAG) sa bahay ng sinasabing gun smuggler sa Cagayan de Oro City.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Branch 43, Regional Trial Court, sinalakay ng mga tauhan ng MLSAG ang bahay nina Jalaludin Bacaraman Lao at Estrella M. Valleramos sa Block 10, Mindanao Homes, Barangay Pagatpat sa Cagayan de Oro.

Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), nasamsam sa loob ng bahay ng mga suspek ang isang unit of M4 rifle, dalawang .45 caliber pistol, isang .38 caliber, mga magazine, mga bala, isang unit ng rifle tag, at isang itim na clutch bag.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ng pulisya na si Valleramos lamang ang naabutan ng MLSAG at pinaghahanap pa si Lao, kapwa kakasuhan ng illegal possession of firearms.