Ni: Chito A. Chavez

Nagbabala ang isang toxic watchdog sa publiko kaugnay sa panganib na maaaring idulot ng mga fidget spinner na popular ngayon sa mga bata.

Pinaalalahanan ng EcoWaste Coalition ang mga magulang na ang mga fidget spinner, mabibili sa pinakamurang halaga na P20, ay posibleng magdulot ng choking at fire incidents tulad ng mga iniulat sa United States.

Binanggit ng EcoWaste na ipinagbawal na ng Latvia at Luxembourg ang pagbebenta ng hand spinners dahil sa hindi pagsunod sa Toy Safety Directive ng European Union.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“The big drop in prices will attract more consumers to buy fidget or hand spinners for their young ones to play with.

Unfortunately, most of these toys lack the required market authorization from the country’s toy regulator,” saad sa pahayag ni Thony Dizon, coordinator ng Project Protect ng EcoWaste Coalition.