BANGALORE, India – Natikman ng Perlas Pilipinas ang ikalawang pagkabugbog sa FIBA Asia Women’s Cup nang pataubin ng WNBA-backed Australian team, 107-65, nitong Martes sa Sree Kanteerava Indoor Stadium.

Umarya ang Opals, kampeon sa 2006 World Championship sa Brazil, sa 38-14 bentahe at hindi na lumingon tungo sa one-sided na panalo—ikalawang sunod sa Group B ng level 1 tournament.

Hataw si Stephanie Cumming sa game-high 18 puntos, habang tumipa si Sara Blicavs ng 17 puntos, walong rebound at anim na assist para sa Australia na ginagabayan nina WNBA veterans Belinds Snell, Laura Hodges, at Kelly Griffin.

Nanguna si Janine Pontejos sa Perlas na natipang 18 puntos. Nakamit ng Perlas ang ikalawang sunod na kabiguan matapos ang 106-55 demolisyon sa kamay ng defending champion Japanese side.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Sunod na makakaharap ng Filipina sa preliminary round ang matikas ding South Koreans.