Ni: Liezle Basa Iñigo

BUGALLON, Pangasinan - Isa na namang karumal-dumal na krimen ang nangyari matapos na halayin at patayin sa saksak ang isang 16-anyos na babae sa Barangay Pangascasan sa Bugallon, Pangasinan.

Sa panayam kahapon kay Chief Insp. Francisco Castillo, hepe ng Bugallon Police, natagpuang patay si Vanessa Amansec, 16, ng Bgy. Antipangol, San Carlos City, sa boundary ng mga barangay ng Pangascasan sa Bugallon at Antipangol sa San Carlos City.

Dakong 5:57 ng umaga nitong Huwebes nang matagpuan ni Rudy dela Cruz, tricycle driver, ang bangkay ng dalagita na walang saplot at tadtad ng saksak ang katawan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad namang naaresto ang dalawang lalaki, ang isa ay binatilyo, na ayon ay Chief Insp. Castillo ay umamin sa krimen.

Batay sa report, ganap na 8:00 ng gabi nitong Miyerkules nang magtungo si Amansec sa tambayan niyang pisonet at sa kanyang paglabas sa internet shop ay hinatak siya ng mga suspek at hinalay.

Nabatid na madalas daw na ginagabi sa pag-uwi ang dalagita sa kapi-pisonet.