MULING magtatambal sina Ken Chan at Starstruck 6 1st runner-up Ayra Mariano sa naiibang love story ng Magpakailanman bukas sa episode na “Our Viral Love: The Lance Fernandez & Ella Layar Story” na idinirihe niAlbert Langitan.

Gagampanan ni Ayra ang role ni Ella na isang person with disability na nakuha sa pagkabata nang magkaroon ng polio at lumiit ang mga binti. Pero hindi iyon nakapigil kay Ella para hindi siya magpatuloy ng pag-aaral at magkaroon din ng love life, dahil minahal siya ng kaklase niyang si Lance (Ken), na hindi tiningnan ang kanyang kapansanan.

Ayra & Ken - Magpakailanman copy

Sa totoong buhay, kaya ba ni Ken na magmahal ng tulad ng isang tulad ni Ella?

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Oo po naman, hindi po ako tumitingin kung ano ang kalagayan ng taong mamahalin ko,” seryosong sagot ni Ken. “Dito po mapapanood ninyo kung gaano minahal ni Lance at tinulungan niya si Ella. Inspiring po ang love story nila.”

Thankful si Ayra na first time pa lang mag-guest sa Magpakailanman at first time ding gumanap na pilay.  

Nakausap ni Ayra si Ella sa telepono at humingi siya ng ilang bagay tungkol dito para magamit niya sa pag-portray niya sa character nito.

Makakasama nina Ken at Ayra sina Sherilyn Reyes, Emilio Garcia, Lollie Mara, Camille Canlas, Yasser Marta at marami pang iba. Napapanood ang Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

Happy pareho sina Ken at Ayra na unang nagkasama sa katatapos nilang rom-com naMeant To Be na gumanap silang mag-sweetheart at nabuntis siya at pagkatapos iniwanan niya kay Ken ang kambal nilang anak.

Sa ngayon, wala pang bagong teleserye si Ken at wish niyang matuloy ang book two ng Meant To Be. Dapat nga ay magbabakasyon muna siya, pero may taping naman siya ng Day Off with Janine Gutierrez sa GMA News TV at may movie siyang gagawin na hindi pa niya pwedeng ikuwento.

Si Ayra naman ay busy sa guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7. Wish niyang makapag-host ng show at thankful din siya dahil bumalik sa kanya ang isang endorsement niya na siyang nagpakilala sa kanya hanggang sa makasali siya sa Starstruck 6 at maging runner-up ng Ultimate winner na si Klea Pineda.